1.Simula-ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan
2.Gitna-ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3.Wakas-Ang katapusan ang kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya, malungkot, panalo o talo. Kung minsan binibitin ng awtor ang wakas.